Saturday, December 1, 2012

Star Cinema Para sa MMFF 2012, Handa na Sa Kitaan!





Bali-balita at usap-usapan talaga ngayon sa internet ang mga bagong pelikula ng Star Cinema na entry sa Metro Manila Film Festival, ang “Sisterakas” na isang comedy movie na pinagbibidahan ni Aiai Delas Alas, Kris Aquino at Vice Ganda sa direksyon ng box office director Wenn Deramas at ang kontrobersyal na pelikulang pinamagatang “One More Try” na ang director din ay isang bida din sa box office na si Ruel S. Bayani, ang director ng “No Other Woman”. Pinagbibidahan naman itong pelikula nila Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban at ang pagbabalik MMFF ni Angel Locsin.


Kahit hindi maugong ang kitaan sa huling pelikula ng Star Cinema na “24/7 In Love” na isang star-studded casting ang naganap, wala pa ding humpay ang suporta ng mga Star Cinema fans sapagkat puro dekalidad talaga ang mga pelikulang ginagawa nila at ang casting nila ay hindi basta basta. Isang matagumpay na taon talaga ng SC ang taong 2012, sapagkat halos marami sa kanilang pelikula ay certified box office hits. At hindi lang iyon, lumalalagpas pa ang mga ito sa listahan ng mga highest grossing films dito sa Pilipinas at sa buong mundo gaya ng “Praybeyt Benjamin” na nakapasok sa highest grossing films sa buong mundo sa taong 2011. (www.tvtvphil.blogspot.com)

Official Trailers:


"Sisterakas"

Genre: Comedy
Released By: Star Cinema Film Productions, Viva Films
Starring: Vice Ganda, Kris Aquino, Ai Ai De Las Alas, Xyriel Manabat, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo
Directed By: Wenn V. Deramas




"One More Try"

Genre: Drama, Romance
Released By: Star Cinema
Starring: Angel Locsin, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Dingdong Dantes
Directed By: Ruel S. Bayani



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...