Saturday, December 1, 2012

Kapamilya Gold, Naghihikahos sa Ratings!


1        Tila lumulubog sa ratings ang sa mga shows ng Kapamilya Gold ng ABS-CBN- ang panghapong line-up shows ng naturang istasyon sa weekdays. Matatag kasi ang Afternoon Prime ng kabilang istasyon at tila mahirap itong makapag-adjust (KG) sapagkat purong drama at pinoy shows ang ipinapalabas nila habang ang KG ay may dalawang shows lamang at dalawang koreanovela. Sa pagdadag nila ng Pinoy True Stories- ang bagong show ng kapamilya network na tumatalakay sa iba’t-ibang isyu sa realidad nating lipunan, makakabawi pa kaya sila sa ratings?
   
       Pero ayon sa mga insiders namin sa bakuran ng star network kahit tila naghihikahos sa ratings ang Kapamilya Gold, babawi at babawi daw ito sa susunod na taon sapagkat bigatin daw na mga proyekto ang naka-line up para sa panghapong timeslots kasabay ng selebrasyon ng ika-60 years ng istasyon. (www.tvtvphil.blogspot.com)


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...