Monday, December 3, 2012

Lauren Young, Nag-Oberdabakod na sa Kapuso Network!


Tuluyan na ngang lilipat si Lauren Young sa kapuso network. Pipirma sya ng kontrata next month, January 2013. Siya ang dating lead star ng kapamilya teleserye remake na "Mula Sa Puso" na medyo hindi kagandahan ang resulta. Huli syang namataan sa ABS-CBN show na Okatokat 2 at pagkatapos doon ay hindi na masyadong mahagilip ang aktres sa kapamilya tv screen.

Ilang buwan din sinubaybayan ang isyung lilipat nga ang aktres sapagkat ilang buwan na rin daw itong hindi nakikita sa telebisyon. Laking gulat din ang isyung magiging isa sya sa extended cast ng primetime teleserye na "A Beautiful Affair" kung saan kasama ang kanyang ate na si Megan Young na dati ay kapuso star.

Ngunit ang isyung iyon ay natuldukan noong makita si Lauren Young sa Trade Launch ng kapuso network sa Makati Shangri-la Hotel noong Myerkules, November 28, 2012. Kumpirmardo na nga ang na lilipat sya dahil din sa mga sunod-sunod na tweets nya about change at pagpapasalamat sa dati nitong home network at sa Star Magic.

Well, TV! TV! says, good luck to you Lauren!(www.tvtvphil.blogspot.com)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...