Monday, December 3, 2012

Mga Taga-Africa, Sabik Na Sabik Kung Magkaka-sequel ang "Pangako Sa'yo"!


Usap-usapan pa din kahit sa internet ang kauna-unahang soap opera na inim-port sa labas ng Philippine TV, ang top-rating teleserye na "Pangako Sa'yo" na pinagbibidahan ni Kristine Hermosa at Jericho Rosales na noo'y ipinpalabas sa kapamilya network noong 2000-2002. 

Sumikat ang naturang tv series sa mga bansang Malaysia, Indonesia, Thailand, Cambodia, at Singapore. Minsan din di-nubbed sa Mandarin ang programa at pinalabas sa bansang China na halos ipinapalabas sa halos na 2000 na mga channel at tatlong beses na ipinapalabas sa isang araw na may kabuuang 1.3 billion viewers. Umabot na din ang programa sa America sa pamamagitan ng ABS-CBN's The Filipino Channel (TFC).

Ipinalabas din ang dekalibreng drama sa kontinenteng Africa sa mga bansang  Kenya, Ghana, Cameroon, Tanzania, Namibia, Zambia, Botswana at Uganda na kung saan agad silang napamahal ng mga aprikano.
Minsan nga isang TV commentator sa Africa ang nag-komento tungkol sa programang ito, "When is Pangako Sa ’Yo coming back?". Talagang nakuha ang loob ng mga taga-Africa sa pagsubaybay sa nasabing teleserye. Si Bong R. Osorio, ang head ng ABS-CBN’s corporate communications, mismo ang nagsabi na patuloy ang pamamayagpag sa pag-release ng programa sa international tv sapagkat nagiging kilala na ito halos sa buong mundo. Napapabalita nga kamakailan na ilolocalize sa Cambodia ang "Pangako Sayo" kung saan magkakaroon ng remake Cambodian version sa isang channel at ito'y nakumpirma naman ng ABS-CBN na matutuloy nga ang nasabing proyekto.

At hanggang ngayon, patuloy na maraming nasasabik sa istorya ng programa. Marami ang nagsasabing, bigyan na ng sequel ang series. Sapagkat tumatak na ito sa asian, american at african tv. Marami ang nasasabik na sana matuloy ito.

Ang teleseryeng "Pangako Sayo" ay ginawa sa direksyon ni Rory B. Quintos na kung saan sumasaklaw sa tatlong henerasyon: pamilyang nasira sa pamamagitan ng panlilinlang, galit at ambisyon na sa hinaharap na ay puno ng mga sekreto sa nakaraan, kung saan isang pagmamahalan ang uusbong na tila mauulit ang nangyari sa nakaraan. (www.tvtvphil.blogspot.com)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...