Monday, December 3, 2012

Blind Items: Mga Starlets: Na-boohan sa isang event!


Nakakatawa itong chika ng kaibigan ko sa probinsya. Foundation day iyon ng city nila. Actually,  pag foundation day daw ay kumukuha sila ng mga artista. At heto yung nangyari.

Nagsimula na yung street dancing competition. Syempre, nasa highway yun ginaganap. Sa dulo daw kasi n street dance at syempre yung mga iba't-ibang float ng mga private sectors, sponsors at guest nasa dulo. Eh, inabangan na nila yung mga artista na nasa dulo. Malapit na yun matapos ang parada, eh wala  daw silang nakitang artista!

Hay naku! Kaya pala di nila nakita kasi umuupo ang mga starlets sa float, paano sila nakikita eh umuupo! Kaya ang ginawa daw ng mga tao, sumigaw! Nagsigawan sila mga ateng! Sigaw nila, "Barog mu uy! (sa tagalog, "Magsipagtayo kayo!" Hindi talaga tumayo ang mga starlets. Mainit kasi noon mga 1 pm kaya masyadong mainit talaga yung panahon.

Nung malapit na sa sports complex yung mga starlets, dun pa umaksyon na tumayo. Eh yung mga tao, syempre nainip na sa kakatingin kung sino yung mga artistang yun, yun pala sila lang pala. Ang nangyari, nagsigawan ang mga tao ng "booh!". Kumakaway pa talaga yung mga starlets sa mg audience kahit "boo ng boo" yung mga tao. Say pa ng ilang tao, "Sino ba yan sila?", "Wala naman ata sila sa tv!" "Saan show ba yan sila nakikita?" "Sa blank network ata sila galing! Hindi kasi sikat eh!"

Nung show na sa gabi, maganda na sana yung takbo, kaso nung lumabas na ulit ang mga starlets,  nagsigawan ulit ng booh! Hay naku, nagkamali pa ang city mayor sa message nya, kasi ibang network yung nabanggit nya sa pagpapasalamat. Halata daw na si kap......! Say pa ng audience, "Para namang kung sino yang mga yan! Eh laos na mga yan! Nagkamali ata si mayor, puro starlets ang kinuha!" Clue: Periods.(www.tvtvphil.blogspot.com)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...